MAY nagpadala ng video sa amin na nasa concert ng BLACKPINK sa SM MOA Arena ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby at talagang nasa VIP section siya. Doon lang namin naalala na ito pala ‘yung ikinukuwento ng mama ng binatilyo nu’ng nagpa-presscon siya na gustung-gusto raw ng bunso niya ang nasabing grupo.

Rose at Bimby

Ibinuking din ng mama ni Bimby na super crush niya ang miyembrong si Rose (Park Chae Young), 22 years old at kaarawan nito sa Pebrero 11. Hindi purong Koreana ang dalaga dahil may lahi siyang New Zealanders at Australian.

Tsinek namin si Rose at oo nga, ang ganda, marunong pumili si Bimb ng girl crush.

Musika at Kanta

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan

Naalala namin na ganito rin pala ang ginawa ni Kris, kaagad din niyang tsinek ang background ng super crush ng anak at wala rin siyang masabi dahil maganda nga si Rose na isa sa lead vocalist ng BLACKPINK.

Anyway, base sa ipinadalang video sa amin na medyo madilim ay punumpuno ang buong MOA arena at wala kaming narinig kundi nagsisigawang supporters ng K-pop girl group na nag-concert nitong Linggo.

May isa pang video na ipinadala rin sa amin na makikitang pinagkakaguluhan si Bimby at marami rin ang nagpa-picture at very accommodating naman ang binatilyo.

Sayang nga dahil hindi puwedeng ilathala ang mga larawan dahil sobrang dilim at mapapansin lang si Bimby dahil ang tangkad niya bukod sa naka-Gucci sweatshirt pa.

Hindi lang malinaw sa amin kung nakita ni Bimb si Rose backstage o nagkakilala sila.

-Reggee Bonoan