HINDI naman pala pinagsama ng GMA 7 sina John Estrada at Mylene Dizon sa iisang teleserye, gaya ng unang nabalita.
“Hindi namin sila pagsasamahin,” sabi ng nakausap naming taga-network.
Si John ay nasa cast ng Kara Mia, at gaganap na asawa ni Carmina Villarroel at ama ng kambal na bida na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz bilang Kara at Mia.
Si Mylene ay sa Sahaya mapapanood, na pinagbibidahan naman nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Hindi pa namin alam kung ano ang role ni Mylene, na lilipat muna sa GMA 7 habang wala pa siyang project sa ABS-CBN.
Maaalalang nagkaroon ng isyu sina John at Mylene noong nasa ABS-CBN pa sila pareho, at pinaniniwalaan nga na ang isyu nila ni Mylene ang isa sa mga rason ng pag-alis ni John sa ABS-CBN at paglipat sa Kapuso network.
Mukhang naayos na ang isyu sa dalawa. Wala nang balita, at siguro naman, kahit magkita sila sa GMA ay magbabatian sina John at Mylene.
Mauuna palang mag-pilot ang Kara Mia, this February na, habang ang Sahaya ay sa March pa ang airing, kapalit ng Onanay.
-Nitz Miralles