INARESTO ang Grammy-nominated at Atlanta-based rapper na si 21 Savage ng mga U.S. immigration officials nitong Linggo, dahil sa umano’y ilegal na pananatili sa bansa at kasong felony.
Pumunta ang rapper, tunay na pangalan ay Sha Yaa Bin Abraham-Joseph, sa United States mula sa UK noong 2005, at paso na ang visa nito para manatilis a Atlanta, pahayag ni Bryan Cox, tagapagsalita ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Nakakulong si 21 Savage sa Georgia at nahaharap sa deportation proceedings sa federal immigration court.
Kinasuhan umano ang rapper ng felony drug charges sa Georgia nooong 2014 at nito lamang Linggo inaresto bilang bahagi ng operasyon katuwang ang local law enforcement.
Hindi kaagad sumagot ang abogado ng rapper, si Dina LaPolt, sa hininging komento ng Reuters nitong Linggo, ngunit inihayag nito sa entertainment publication na Variety na si Abraham-Joseph ay isang “role model” na katuwang sa pagsasagawa ng mga financial literacy program na layuning tulungan ang mga “underprivileged” na mga kabataan.
Reuters