LAGANGILANG, Abra – Dalawang taga-suporta ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Sitio Barbarit, Barangay Tagodtod, Lagangilang, Abra, kamakailan.

Paliwanag ng 24th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), ipinasya ng dalawang supporter ng kilusan na magbalik-loob sa gobyerno bunsod na rin ng hirap ng kanilang buhay sa pakikibaka sa pamahalaan.

Hindi na binanggit ng militar ang pagkakakilanlan ng dalawang para na rin sa kanilang seguridad.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang Garand rifle at dalawang claymore mine.

Joel Torre, proud na nakatrabaho mga dakilang direktor sa Pilipinas

-Freddie G. Lazaro