IPALALABAS na sa mga sinehan ang pinakabagong manga adaptation film ng Alita: Battle Angel ng 20th Century Fox.
Batay sa manga Gunn ni Yukito Kishiro, ang pelikula ay tungkolsa sa istorya ng abandonadong cyborg na si Alita (Rose Salazar), na dumaranas ng memory loss. Siya ay kinupkop at inayos ni Dr. Dyson Idp (Christoph Waltz).
Habang hinahanap ni Alita ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, ay matutuklasan niya na hindi lamang siya isang ordinaryong cyborg hanggang sa malaman at magamit niya ang kanyang buong kapangyarihan.
Iniprodyus nina James Cameron at Jon Landau, tampok din sa Alita: Battle Angel sina Jennifer Connelly, Mahershala Ali, Ed Skrein, Jorge Lendeborg Jr., Jackie Earle Haley, Keean Johnson, Eiza González, at Lana Condor.
Maaaring mapanood ang Alita sa mga SM Cinema theater o sa saanmang IMAX theaters simula February 6.
-MARJALEEN RAMOS