LUCENA CITY, Quezon – Natimbog ng mga awtoridad ang isang AWOL (absent without official leave) na pulis at dalawa pa nitong kasamahan sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Lucena City, Quezon, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) ang mga suspek na sina Jose Riezel Reyes, 40, ng Bgy. Ilayang Iyam; Michael Martirez, 44, ng Bgy. Ibabang Iyam, at isang alyas “Kit”, isang menor de edad.

Ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa tatlong umano’y tulak ng iligal na droga sa panulukan ng Quezon at Dhalia Sts., Bgy. Gulang-gulang, dakong 9:30 ng gabi.

Nasamsam sa mga ito ang 14 na plastic sachet ng shabu, isang cal. 9mm pistol, at mga bala nito.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Nahaaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Omnibus election code (gun ban).

-Danny J. Estacio