Inaasahang may limang sama ng panahon ang mabubuo sa loob ng dalawang linggo, mula Agosto 26 hanggang Seteymbre 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa isinagawang 199th Climate Forum nitong Miyerkules, Agosto 26, isa sa mga natalakas ang tungkol sa inaasahang lagay ng panahon sa loob ng dalawang linggo.
Matatandaang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Obet noong Agosto 24. Habang binabantayan din ng weather bureau ang isang storm na nasa labas ng PAR, na kalauna'y nalusaw.
As of 8:00 AM ngayong Agosto 26, wala nang binabantayang low pressure area o namumuong sama ng panahon sa loob at labas ng PAR.
Ano nga ba ang magiging lagay ng panahon mula ngayong Agosto 6 hanggang Setyembre 8, 2026?
Base sa sub-seasonal forecast sa naturang forum, inilahad ni weather specialist Ryan Dicampo ang posibleng magiging lagay ng panahon sa loob ng dalawang linggo, kung saan inaasahang may mabubuong limang sama ng panahon.
WEEK 1 (Agosto 26 - Setyembre 1)
Sa forecast ng PAGASA, mabubuo ang unang sama ng panahon o Tropical Cyclone-Like Vortex (TCLV) sa pagitan ng eastern boundaries ng PAR at Tropical Cyclone Advisory Domain (TCAD), na may katamtaman hanggang malaking tsansa na maging isang tropical cyclone.
Posible rin ang pagpasok nito sa PAR habang patungo ito ng Taiwan.
Ang pangalawang TCLV naman ay maaaring mamumuo sa northwestern boundary ng PAGASA Monitoring Domain (PMD). Mababa hanggang katamtaman ang tsansang maging bagyo.
WEEK 2 (Setyembre 2 - Setyembre 8)
Sa week 2, may tatlong sama ng panahon ang inaasahang mabubuo sa loob ng PMD.
Ang TCLV 3 ay maaaring mabuo sa northeastern boundary ng TCAD at PAR, na may katamtaman hanggang malaking tsansa na maging isang tropical cyclone.
Maaari naman mabuo sa northwestern boundary ng PAR ang TCLV 4, at mababa ang tsansa na maging isang tropical cyclone.
Samantala, ang TCLV 5 ay maaaring mabuo sa eastern boundary ng PAR, na mababa rin ang tsana na maging isang bagyo.
Gayunpaman, nananaliting mataas ang tsansa ng TC-Threat potential sa naturang forecast period.