GRADUATING na pala sa March 2019 ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria. Natapos na niya ang BS Psychology, a Dean’s Lister, sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas City.

Jodi Sta. Maria copy

Ipinost ni Jodi ang Certificate of Recognition mula sa college niya.

“I will give thanks to you, LORD, with all my heart; I will tell of your wonderful deeds. Psalm 9:1,” caption ni Jodi.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

“As I inch my way to the ‘finish line’, You have always been my source of strength and comfort in everything, including my studies. My heart, mind, and soul is Yours, Lord! This would have not been possible if it weren’t for Your great love and mercy. This for Your glory, God – the giver of all good things.”

Nagawa nga ni Jodi na pagsabayin ang kanyang career at studies, at ang pag-aalaga sa kanyang anak na si Thirdy, kaya maraming humanga sa kanyang mga kasamahan sa industriya at mga kaibigan.

Nagpasalamat naman si Jodi sa lahat ng sumuporta sa kanya, lalo na ang mga kapwa students niya na hindi artista ang tingin sa kanya kundi isang ordinary student na walang special privileges, at gusto lang mag-aral at maka-graduate.

God willing, noon pa sinasabi ni Jodi na gusto niyang maging isang doctor, kaya hindi malayong ituloy niya ang BS Psychology sa Medicine. Congratulations, Jodi!

-NORA V. CALDERON