SA panayam ng TV Patrol kay Kathryn Bernardo last Wednesday, binigyang linaw ng young actress ang issue ng proposal umano sa kanya ng boyfriend na si Daniel Padilla matapos ang cryptic post ng Mommy Min ng aktres noong Christmas vacation.

Kathryn at Daniel

Ayon kay Kathryn, hindi naman daw si Daniel ang tinutukoy sa post na ‘yun ng mommy niya.

“Nagkatuwaan nun. Si Mama ‘yun, pati si Tito Do (Daniel’s personal assistant). Parang nagpo-propose kasi ang tagal na nilang friends. Parang naglokohan lang sila.”

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris

Nag-react daw si Kathryn nang makita niya ang post ng ina.

“Oh my god, nung pinakita ‘yun, sabi ko nakakaloka kayo. Mababaliw ‘yung mga tao…”

Sakali raw na si Daniel ang mag-propose sa kanya, open naman daw siya sa idea kung mag-propose sa kanya ang nobyo.

“Open ako sa idea, pero kailangan pa naming magtrabaho.”

Sekreto ng kanilang relasyon ni Daniel ay ang paglalaan nila ng quality time ang isa’t isa.

Masaya pang sinabi ni Kathryn ang plano nila ni Daniel sa Valentine’s Day. “Naka-block off na ang Valentine’s Day. Definitely magbi-beach kami,” aniya.

Excited naman si Kathryn na siya ang personal choice nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal para bumida sa next movie project ng Spring Films ng mga ito, ang History of Parking Lots.

“Of course, I’m very excited. Si Papa P, ang tagal na niya name-mention kung open ako sa mga stories niya. Open naman at makikinig tayo,” sabi ni Kathryn.

-ADOR V. SALUTA