SA nakaraang mediacon n g B a t o , The General Ronald dela Rosa Story ay nabanggit ni Robin Padilla na tuloy pa rin ang proyekto nilang rehabilitasyon ng ng Marawi City.

robin

“Ang project po namin sa Marawi ay tuluy-tuloy lang kasi hindi naman ‘yan under ng government kasi baka ma-misinterpret tayo. Ako po ay walang natatanggap na kahit singko mula sa gobyerno, ang lahat po ng ginagastos diyan ay galing sa bulsa ko at ‘yung iba ay galing sa bulsa ng ibang artista. Lahat po ng proyekto natin diyan, private. Hindi po tayo naka-partnership sa anumang government (agencies) at hindi tayo namumulitika,” ito ang pahayag ng aktor.

Ang pelikulang Marawi City o Children of the Lake ay si Binibining Joyce Bernal na ang magtutuloy, ayon kay Robin.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

“Si Direk Joyce na po ang magtutuloy, hindi po ako artista ro’n, ‘yung foundation ko po ang magbe-benefit doon sa kita kasi para ‘yun sa housing project namin doon, hindi po ‘yun under ng government, inuulit ko, hindi po ‘yun gobyerno, private po ‘yun.

“Binili natin ‘yung lupa hanggang ngayon ay pino-process pa ‘yung paglipat ng pangalan. Kung meron man akong pinagkaka-abalahan ngayon, ‘yun po ‘yung sa Marawi City,” kuwento ng aktor.

Samantala, pangarap din pala ni Robin na mag-produce ng pelikulang may kinalaman sa martial arts kaya naghahanap talaga siya ng magaling sa larangang ito at sa kanya pala nanggaling ang ideya ng Buy Bust.

“Naghahanap talaga ako ng totoong martial artist, ‘yung magdadala ng FMA (Filipino Martial Arts) sa Asia, ‘yun ang dream ko talaga. Matagal ko nang gustong mag-produce.

“Alam n’yo, ‘yung Buy Bust, kami ni Sonny Sison (Hollywood fight director) ang pumunta sa Viva (Films), in-offer namin ‘yan kay boss Vic (del Rosario). Hindi Buy-Bust ang title, pero action movie ng Pilipinas.

“Tapos hindi na ako nakabalik kasi nu’ng nanghihingi na sila ng meeting naging busy na ako, sabi ko kay Master Sonny, ikaw na magtuloy kaya natuloy sila nina boss Vic, kinuha naman nila si Brandon Vera na totoong martial artist,” kuwento ng aktor.

Sa mga batang artista ngayon na type i-train nina Robin at Val Iglesias ay si Mark Anthony Fernandez dahil dugo ni Rudy Fernandez ang nananalaytay sa kanya.

Nabanggit ang pangalan ni Daniel Padilla na kadugo ni Robin kaya posibleng mapunta rin sa aksyon ang aktor.

“Nakailang offer na kami kay Daniel, walang natutuloy nadidismaya na rin ako. Siguro dahil busy siya sa Star Cinema,” pag-amin ng tiyuhin ng batang Padilla.

Sabi namin na pang-romcom kasi si Daniel at umayon naman si Binoe.

Bukod sa Bato, The General Ronald dela Rosa Story movie na mapapanood na sa Enero 30 ay may isa pang pelikulang gagawin ang aktor na hindi pa muna niya binabanggit, abangan na lang daw.

Anyway, ang Bato ay mula sa ALV Films, BENCHingco at Regal Entertainment mula sa direskyon ni Adolf Alix, Jr.

-REGGEE BONOAN