August 02, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iran, nagbantang pasasabugin energy fields ng ilang bansa 'pag muli silang inatake ng US!

Iran, nagbantang pasasabugin energy fields ng ilang bansa 'pag muli silang inatake ng US!
Photo courtesy: Unsplash

Nagbabala ang Iran na maglulunsad ito ng agarang pagganti kung sakaling magsagawa ang Amerika ng panibagong pag-atake sa mga target nito, kasunod ng mga pahayag ni US President Donald Trump tungkol sa posibleng panibagong opensiba laban sa Tehran.

Sa magkakahiwalay na pakikipag-usap ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi sa matataas na opisyal ng Turkey, Pakistan at Saudi Arabia noong Sabado, Agosto 1, tinalakay nila ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan at ang posibleng epekto ng anumang panibagong military action ng US sa seguridad ng rehiyon.

Kasabay nito, iniulat ng militar ng Kuwait na napigilan at nawasak nito ang mga drone na umano'y inilunsad ng Iran na nakatutok sa ilang mahahalagang pasilidad sa bansa.

Ayon sa ulat ng Nournews, isang media outlet na konektado sa pinakamataas na security body ng Iran, posibleng targetin ng Tehran ang mga oil field sa Saudi Arabia at United Arab Emirates, gayundin ang mga gas field sa Qatar at Israel, kung aatakihin ng US ang imprastraktura ng energy fields ng Iran.

Samantala, sinabi ni Trump sa isang cabinet meeting sa Camp David na naniniwala siyang may posibilidad pa ring makamit ng mga negosyador ng US ang isang kasunduan sa Iran. 

Internasyonal

DMW: Walang Pinoy na nasawi, nasaktan sa magnitude 7.1 lindol sa Japan

Gayunman, inihayag din ng Pangulo ng Amerika na nababawasan na ang kaniyang tiwala sa Iran at muling nagbanta ng panibagong pag-atake kung kinakailangan.

Patuloy na binabantayan ng mga bansa sa rehiyon ang lumalalang sigalot sa pagitan ng Iran at US dahil sa pangambang maaari itong magdulot ng mas malawak na kaguluhan sa Gitnang Silangan.