FEELING blessed ang Sultry Fiery Diva and now come backing actress Malu Barry sa unang buwan pa lang ng 2019, dahil naisama siya sa cast ng pelikulang Jesusa, na written and directed by longtime friendship Ronald C. Carballo.

Sylvia, Ynez, Malu at Mercy

Marahil ay itinakda ng tadhana sa hindi sinasadyang pagkakataon na magkita sila in flesh and blood ni Direk Ronald nito lang first week of January sa Luxent Hotel, kung saan pareho silang may mga ka-meeting regarding business matters.

At yun na! Matagal na palang hinangaan ni Direk Ronald ang isang Malu Barry noong panahong bilib din sa mahusay na singer ang maalamat na si Lino Brocka (SLN) dahil sa mala-Bonnie Tyler na singing voice ni Malu. Isinama pa nga ni Direk Lino si Malu sa cast ng Kislap Sa Dilim noon with Christopher de Leon at Lorna Tolentino, at isa pang pelikula na nalimutan na ni Yours Truly ang title.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

Ang partikular na natatandaan lang namin ay kagagaling lang ni Direk Lino noon sa Spindle show ni Malu nang bumangga sa poste ang kotseng sinasakyan niya habang pauwi sa kanyang bahay. Marahil ay talagang oras na niya ‘yon para kunin ni Lord God Jesus Christ sa kanyang Kingdom of Heaven. Amen!

Niwey, back to Malu, tinanong ni Yours Truly kung ano ang role niya sa Jesusa.

“Ako ‘yung tao ni Barangay Chairman na ginawa niyang pusher ng droga. Ako ‘yung utusan niya na tulak sa mga shabu niya,” sabi ni Malu.

“Ang roke ko rito ay adik rin. Kaya lang ako laging nakasuot ng puti na kunwari nurse, feeling ko lang ‘yon. Feeling ko, lalo na ‘pag mataas ang tama ko sa droga, isa akong nurse. Ang pangalan ko rito ay si Mayang.

“Isa sa na-convinced ko rito na magdroga ay si Sylvia Sanchez, na gumanap bilang si Jesusa. Kung paano ko siya na-convince na magdroga rin, siguro dahil sa frustration at depression niya sa family. Gusto niyang tikman ang droga para siguro makalimot kung anuman ang pinagdaraanan niya. Mostly, kami ni Sylvia ang laging magkaeksena.”

How is it working with Sylvia Sanchez?

“Ay, nakooo! Diyos ko, manenerbiyos ka! Ang galing niya! Siyempre, gusto mo mas magaling ang kaeksena mo sa pelikula man o sa teleserye, ‘di ba?”

Mismo!

Kasama rin nina Sylvia at Malu sa Jesusa sina Ynez Veneracion, Mon Confiado, Allen Dizon, Beverly Salviejo, at marami pang iba. Sa pagkakaalam namin, ang tumayong executive producer ng movie ay si Daddy Wowie Roxas, na discover cum manager noon ni Isko Moreno.

So, abangan na lang natin ang pelikulang Jesusa sa mga sinehan sooner than soon, at tiyak na kapupulutan ito ng maraming aral, lalo na dun sa mga nagiging biktima at gumagamit ng ipinagbabawal na droga. For sure ay maiibigan din ni President Rodrigo Duterte ang konsepto ng movie, dahil alam naman natin galit na galit siya sa mga nagpapakalat ng droga. ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE