KUNG hihiramin ang title ng isang old movie titled Nagkataon, Nagkatagpo, ito ang pupuwedeng mag-describe sa hindi sinasadyang muling pagkikita ng mahusay na singer at come backing actress na si Malu Barry at ng writer-director Ronald C. Carballo.

“Nakita ko kasi si Malu sa Luxent Hotel while in the process na sinusulat ko ‘yung story script ko sa pelikulang Jesusa. Actually, Mers, sa tagal na natin sa showbiz, kilala ko lang si Malu Barry sa Kislap Sa Dilim ni Lino Brocka (SLN) at dun pa lang nakitaan na siya ng acting potential.

“Humanga ako sa kanya. At saka hindi pa siya artista, pinapanood ko siya noon sa Hyatt Calesa Bar kung saan naging regular singer siya doon, kung saan sumisikat din doon si Verni Varga. Pero we haven’t had the chance na mag-meet kami in person ni Malu.

“Pero by chance, nagdi-dinner kami noon saLuxent Hotel in Timog, Quezon City, biglang dumating siya at nagkatama ang aming paningin. Lumapit agad siya so niyakag ko siya na as if matagal na kaming magkakilala.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

“So pag-upo sa table namin, sabi ko, ‘tama, timing may sinusulat akong script, bagay ka dun sa isang character’. Eh, siyempre alaga siya noon ng pamosong direktor noon na si Lino Brocka sa Kislap Sa Dilim, so dapat may kasunod agad ‘yon.

“Sabi ko nga kung buhay lang ngayon si Direk Lino, big actress na ang Malu Barry ngayon. Dahil sabi ko sa kanya, ‘magaling ka’,” mahabang tsika ni Direk Ronald nang bisitahin ni Yours Truly ang last day shooting ng pelikula nilang Jesusa.

Eh, kumusta naman, Direk Ronald ang acting ni Malu sa Jesusa?

“Yon na nga. True enough. After those times na hindi siya umarte sa big screen, tapos nakita ko lang siya. Blessing for us. Kasi ang husay-husay niyang umarte. First day pa lang ng shooting namin sa Jesusa, very cooperative siya.

Sa isang panayam, sinabi ni Malu na isang adik at tulak ng ilegal na droga ang role niya sa Jesusa, at kinumbinse pa niya ang bida ng pelikula na si Sylvia Sanchez, as Jesusa, na malulong din sa droga na gaya niya.

“Ang husay niya talaga at swak na swak ang role niya, sa totoo lang. Hindi ako nagkamali ng desisyon na isama siya rito sa movie namin. Talagang bongga siya as an actress,” lahad-papuri ni Direk Ronald sa acting ng nagbabalik-showbiz na si Malu Barry.

-Mercy Lejarde