August 02, 2026

Home BALITA

'I might end up drowning!' Sen. Ping, takot malunod sa baha 'pag pumunta sa Taguig

'I might end up drowning!' Sen. Ping, takot malunod sa baha 'pag pumunta sa Taguig
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Binanatan ni Sen. Ping Lacson ang imbitasyon ni Sen. Alan Peter Cayetano sa kaniya at sa publiko na bisitahin ang Taguig, hinggil sa alegasyon ng ghost projects sa kanilang balwarte.

Sa pamamagitan ng X post, nagkomento si Lacson sa isang thread na nanglalaman ng quote card ng pahayag ni imbitasyon ni Cayetano.

"I will continue to invite, not only Senator Lacson, not only his staff, but everyone. Iba kasi yung sa papel, papel. Iba yung sa picture, picture. Tingnan niyo yung budget. Pumunta kayo sa lugar. Makikita niyo na nandiyan talaga yung project at magaganda,” ani Cayetano.

Sagot naman ni Lacson, “Saka na lang pag maayos na ang flood control program sa Taguig. Matagal na akong walang practice mag-swimming; baka dun pa ako malunod sa tubig baha.”

Matatandaang nitong Hulyo nang umingay ang mga social media post ni Lacson matapos punahin ni Cayetano ang paglobo umano ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) niya, sa mga panahong hindi pa siya nakakabalik ng Senado.

National

Meralco inutusan ng ERC, isauli ang ₱9.5B sa higit 8 milyong consumers!

Bunsod nito, nanindigan si Lacson na hindi raw niya palalampasin ang pag-atake ni Cayetano sa integridad niya at iginiit ang umano’y ghost projects sa Taguig—ang balwarte ng mga Cayetano.

KAUGNAY NA BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan 

Habang noong Sabado, Agosto 1 nang linawin ni Lacson na hindi raw niya pinag-iintian ang Taguig. Ayon sa senador, binigyang prayoridad lamang daw niya ang imbetsigasyon dito bunsod ng kaingayan ni Sen. Cayetano.

"Hindi ko sini-single out yung Taguig. Pinrioritize ko lang dahil sa ingay [ni Sen. Alan Peter Cayetano],”  ani Lacson. 

Dagdag pa niya, “Lahat 'yan, nasa baul namin nung nagsimula kami sa Blue Ribbon. All the time, lahat ng files na 'yan, nandoon sa amin. Hindi lang namin nakakalkal sa dami, we were overwhelmed.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping, prinayoridad imbestigahan ang Taguig dahil sa ingay ni Sen. Alan!