July 31, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Ping, prinayoridad imbestigahan ang Taguig dahil sa ingay ni Sen. Alan!

Sen. Ping, prinayoridad imbestigahan ang Taguig dahil sa ingay ni Sen. Alan!
Photo courtesy: via Senate of the Philippines

‘TALAGANG KINALKAL NAMIN YUNG TAGUIG’

Itinanggi ni Sen. Ping Lacson na partikular niyang pinupuntirya ang Taguig City sa patuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng mga umano'y iregularidad sa flood control projects.

Sa isang radio interview nitong Biyernes, Hulyo 31, 2025, iginiit ni Lacson na kabilang lamang ang Taguig sa maraming lokal na pamahalaang sinusuri ng Senate Blue Ribbon Committee at hindi ito ang tanging focus ng kanilang imbestigasyon.

"Hindi ko sini-single out yung Taguig. Pinrioritize ko lang dahil sa ingay [ni Sen. Alan Peter Cayetano],”  ani Lacson.

Paliwanag ng senador, matagal nang nasa kanilang kustodiya ang mga dokumentong may kaugnayan sa iba't ibang flood control projects, ngunit hindi agad naisailalim sa masusing pagbusisi ang lahat ng ito dahil sa dami ng mga record na kailangang suriin.

Politics

Bong Revilla, nagbitaw ng ₱1M para pansamantalang makalaya!

"Lahat 'yan, nasa baul namin nung nagsimula kami sa Blue Ribbon. All the time, lahat ng files na 'yan, nandoon sa amin. Hindi lang namin nakakalkal sa dami, we were overwhelmed,” anang senador.

Inamin din ni Lacson na mas binigyang-prayoridad nilang siyasatin ang mga proyekto sa Taguig dahil sa mga naging pahayag at batikos ni Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon.

"Hindi ako magpapaka-impokrito, talagang kinalkal namin yung Taguig. Sabi ko, 'Mag-focus tayo rito kasi ang ingay-ingay nito [ni Sen. Alan],” saad pa niya.

Matatandaang nitong Hulyo nang umingay ang mga social media post ni Lacson matapos punahin ni Cayetano ang paglobo umano ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) niya, sa mga panahong hindi pa siya nakakabalik ng Senado.

Bunsod nito, nanindigan si Lacson na hindi raw niya palalampasin ang pag-atake ni Cayetano sa integridad niya at iginiit ang umano’y ghost projects sa Taguig—ang balwarte ng mga Cayetano.

KAUGNAY NA BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan 

Habang noong Martes, Hulyo 28 nang muling nagpasaring si Cayetano hinggil sa umano’y malisyosong mga impormasyon kasabay ng imbestigasyon ni Lacson sa ghost projects sa Taguig.

Aniya, “Alam n'yo ba 'yong malicious? Malicious is 'mali.' Meaning, 'wrong' pero 'delicious.' Ibig sabihin, masarap pakinggan. Kaya malicious.”

MAKI-BALITA: Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'