July 29, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'

Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'
Photo courtesy: MB, APC (FB)

Pumatutsada si Sen. Panfilo “Ping” Lacson laban sa naging pahayag tungkol sa naging pagpapakahulugan sa salitang “malicious” ni Sen. Alan Peter Cayetano noong Martes, Hulyo 28, 2026. 

Matatandaang sinabi ni ni Cayetano na tinatanggap niya ang mga ibinabatong paratang ni Lacson laban sa kaniya tungkol sa isinumite ng huli na mga ebidensya sa umano’y ghost infrastructure project sa Taguig na kilalang balwarte ng naunang senador. 

Gayunman, pinag-ingat pa rin ni Cayetano ang publiko sa mga malisyosong paratang.

Aniya, “Alam n'yo ba 'yong malicious? Malicious is 'mali.' Meaning, 'wrong' pero 'delicious.' Ibig sabihin, masarap pakinggan. Kaya malicious.”

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’

National

Orihinal na copies ng tseke na in-encash ng OVP, shredded na—Violeta Constantino

Sa naging pahayag naman ni Lacson sa kaniyang “X” post nitong Miyerkules, Hulyo 29, binuwelta niyang kung ano-ano raw ang sinasabi ni Cayetano. 

“‘Malicious pero delicious’ - bumigay na yata. Kung anu-ano na pinagsasabi,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa “X” post ni Lacson. 

Patutsada ni Lacson, maaari daw malasap ng publiko ang “delicious” na sinasabi ni Cayetano kung manonood sila ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na may kaugnayan sa mga isiniwalat niyang ghost projects sa Taguig. 

“The public may partake of the ‘delicious’ part if they watch the Blue Ribbon Committee hearings where the details of the truth behind the 5 Taguig case studies that we submitted to the Ombudsman,” aniya. 

“I meant… where the details of the truth behind the 5 Taguig case studies… WILL BE EXPOSED,” pahabol at pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Cayetano kaugnay rito.