Hindi raw itinatrato ng celebrity couple na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez na loveteam ang kanilang relasyon.
Nahagip kasi sa panayam kina Jericho at Janine sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Agosto 1, ang tungkol sa loveteam.
Inilahad ni Jericho ang maraming karanasan niya pagdating sa pagkakaroon ng kapareha sa industriya kung saan maraming restriction at limitation.
"Do you hold the truth? Do you like, you know, gatekeep whatever? Huwag mo munang ibigay ang lahat. Fans can't know the truth; kung ano ba talaga sila,” saad ni Jericho.
Dagdag pa niya, “For me, I've always been open. Open ako sa feelings ko, sa relationship ko and wala akong gano'n with us [Janine].”
Ayon kay Jericho, nasa punto na raw siya ng kaniyang buhay na hindi niya iniisip na maapektuhan ng relasyon niya kay Janine ang kaniyang career.
"We're not selling anything about our relationship. We are both professional actors. I respect her as an actor. I respect myself as an actor,” aniya.
Sey tuloy ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino, "I think the beauty of how you guys did it is tha we see you guys now as actors. Hindi siya loveteam.
“Yes, we always say that," sabi ni Jericho. "We're not a loveteam. We're a team. So I want producers and people to see that we're reliable in terms of, you know, you give us a project together then we're going to work on that. “
“Ayaw kong makita ng mga tao na if we work together, we can't focus,” dugtong pa ng aktor.
Matatandaang noong Agosto 2024 ay inamin ni Jericho sa isang panayam na nasa dating stage na raw sila ni Janine.
Ito ay matapos silang maispatang magkasama nang ilang beses kaya hindi nakapagtatakang mabuo ang hinala na may something sa kanila.
Samantala, inamin naman ni Jericho noong Abril 2025 na jowa na niya si Janine sa mismong lamay ng namayapa nitong lolang si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales.
Maki-Balita: Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita