MAKUKULAY na ilaw na k u m u k u t i k u t i t a p a t naglalakihang Belen ang muling natunghayan ng mga Dagupeño at mga dayo sa taunang “Paseo de Belen” sa siyudad ng Dagupan sa Pangasinan, sa ikatlong taon nito.
Lahat ng 31 barangay s a siyudad ay malikhaing nagbuo ng kani-kanilang Belen na gawa sa recyclable at sariling materyales, at matutunghayan sa De Venecia Road.
Ang bawat isa ay inabot ng mahigit isang buwan sa paggawa, at kinailangang mabuo sa anim na metro kuwadradong parisukat.
Pinasinayaan ang Paseo de Belen kasama si Rep. Christopher De Venecia, si Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang nagsulong sa pagtatampok sa iisang lugar ng ipinagmamalaking Belen ng bawat barangay.
Ikinatuwa naman ni Brian Kua, Liga ng mga Barangay president, ang kooperasyong ibinigay ng mga punong barangay.
“Ito’y bunga ng sipag ng mga chairman, kagawad at mga volunteers ng bawat barangay,” sabi ni Kua.
Ang bawat lahok na Belen a y h u h u s g a h a n s a t i b a y , c raf t smanship, at ganda ng interpretasyon sa pagsilang ng Panginoong Hesus. Malaking puntos din ang pagbabagong ginawa mula sa tradisyunal na Belen.
T a t a n g g a p n g P 5 0 , 0 0 0 gantimpala ang mananalo, at P30,000 at P25,000 naman sa nasa ikalawa at ikatlong puwesto.
-Sinulat at mga larawang kuha ni JOJO RIÑOZA