August 03, 2026

Home BALITA Metro

Senado, pinasok at ninakawan ng mag-live in partner; TV, printer, dinekwat!

Senado, pinasok at ninakawan ng mag-live in partner; TV, printer, dinekwat!
Photo courtesy: MB file photo

Nagawang makapasok at pagnakawan ng mag-live in partner ang Senate Compound ayon sa kumpirmasyon ng Pasay City Police.

Ayo  sa kanilang imbestigasuon, kinuha ng dalawang suspek ang ilang technical equipments ng isang media outlet sa loob ng Senado. Kabilang sa mga ninakaw ng mag-live in partner ang isang 50-inch television, dalawang printer at isang cellphone na pawang matagumpay na narekober sa kanila ng pulisya noong Hulyo 29, 2026. 

Kinumpirma rin ng mga awtoridad na hindi na nila nabawi mula sa mga suspek ang ilang mga gamit mula sa Senado na nauna na nilang naibenta.

Ayon pa sa mga awtoridad, nilagari ng mga suspek ang bakod ng Senado upang makapasok at makapagpuslit ng ilang mga gamit.

Naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Diokno boulevard. Kabilang din sa mga nasakote ng mga awtoridad ang ama ng isa sa mga suspek. Ayon sa pulisya, kakasuhan nila ng obstruction of justice ang tatay ng suspek matapos umano silang patakasin nito.

Metro

'Pag 'di natupad ang taas-pasahe: Serye ng transport strike, ikakasa ng MANIBELA!

Ibinahagi rin ng pulisya na mismong ang kapitbahay ng mga suspek ang nagtimbre sa kanila hinggil sa pagtakas ng mga nabanggit na salarin.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mag-live in partner na nahaharap sa kaukulang kaso.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng Senado hinggil sa nangyaring nakawan sa loob ng kanilang pasilidad.