Kinaaliwan ng netizens ang viral video ng isang netizen na inabutan umano ng kaniyang job interview sa loob ng fitting room sa mall na kaniyang pinasyalan.
Mapapanood sa TikTok reel ng netizen na si James noong Linggo, Agosto 2 na biglaan ang kaniyang naging online job interview.
Kaya kahit na formal attire ang kinailangan sa naturang interview, tila malaki ang pasasalamat ni James na saktong nasa fitting room siya ng clothing store na “Uniqlo” nang sinagot niya ang tawag kaya hindi na siya nahirapan maghanap ng susuoting damit at maayos na lugar.
Dahil sa kakatwang pangyayaring ito, agad na umakyat sa 254.3K ang reactions sa reel ni James.
Sa comment section naman, tuwang-tuwa ang netizens dahil tila naging “shared experience” ito sa kanila.
“Naalala ko tuloy, nasa gym ako tapos biglang may interview. Yung interviewer parang di maka concentrate eh.”
“You gotta do what you gotta do ””
“AKALA KO AKO LANG YUNG GUMAWA NITO ”
“kuya bat mo pinaalala yun interview ko sa kidzoona hahahaha. yun akin di naman formal pero timing kasi na nasa divimart kami, ayun interview on the spot with Tupperware background tapos yun ibang employees ng divimart napapatingin sakin kada sasagot ako sa hr”
“Plot twist: nasa kabilang fitting room ang nag iinterview”
“this is an original experience i fear”
Habang ang ilan naman, nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging biglaan umanong pagtawag ng recruiter kay James dahil sa pagiging “unprofessional” umano ng ganitong paraan.
“as a recruiter, wag naman na mag-request ng biglaang interview tapos may pa formal outfit pa. kaya maraming bwisit sa field natin”
“Huh? Walang sched sched? Ekis dyan, nag-aaksaya ka ng panahon sa company na yan”
“wala bang etiquette mga hr na magschedule ng interview before the actual day of interview. ang unprofessional lang HAHAHA”
“Tho it’s a red flag when HR do not give you enough time for interview. Schedule should be sent days before the interview date. It’s giving mismanagement.”