August 03, 2026

Home BALITA National

Patty Ting, Mico Harina, Andy Lim at iba pa, pirmado sa resibo ng OVP!

Patty Ting, Mico Harina, Andy Lim at iba pa, pirmado sa resibo ng OVP!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pinangalanan ni Private Prosecutor Lorna Kapunan ang iba pang kakatwang pangalan na pawang mga pirmado umano sa acknowledgement receipt na ipinasa ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA).

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Agosto 3, 2026, muling lumutang ang kontrobersyal na pangalanan ni Mary Grace Piattos sa mga resibong inilatag ng prosekusyon.

Ayon sa mga acknowledgment receipt, dalawang Piattos ang nakatanggap ng malaking halaga mula sa OVP. Ito ay sina Mary Grace Piattos na may ₱70,000 na payment for medicine at at Renan Piattos na may ₱110,000 para sa purchase of information.

Nairot ang iba pang mga pangalan na nasa acknowledgement receipt ng OVP: 

Nova Santos - ₱85,000 payment of reward various goods 

National

KILALANIN: Sino si Atty. Roderick Wamil bilang ika-6 na testigo vs VP Sara?

Mico Harina - ₱295,00 payment of purchase supplies

Janice Marie Revilla - ₱70,000 purchase of information

Patty Ting -₱150,000 purchase of information

Andy Lim -₱50,000 purchase of Information 

Alejandro Pikit - ₱90,000 Purchase of Information

Feonna Biong - ₱80,000 purchase of information

Sisfrunio Balsac - ₱70,000 purchase of information 

Gabriel S. Bisaya - ₱70,000 purchase of information

Matatandaang noong Nobyembre 2025 nang maging usap-usapan kung lehitimong persona nga ba si Mary Grace Piattos na naispatang pirmado sa mga transaksyon ng OVP, sa noo’y imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Ilang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin napapatunayan ang kaototohanan sa likod ng pagkatao ng kontrobersyal na si Mary Grace Piattos na siyang nakasaad sa halos 1,200 resibo mula sa OVP.