August 03, 2026

Home FEATURES Human-Interest

80-anyos na nawawalang pasahero, pinaghahanap ng PCG!

80-anyos na nawawalang pasahero, pinaghahanap ng PCG!
Photo courtesy: Coast Guard Station Batangas (FB)

Ipinapanawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko ang pakikipagtulungan upang mahanap ang nawawalang 80-anyos na pasaherong nakumpirmang sumakay sa Batangas Port patungong Calapan City, Oriental Mindoro noon pang nakaraang Miyerkules, Hulyo 29. 

Batay sa pahayag ng PCG noong Linggo, Agosto 1, nakumpirmang sumakay ang pasaherong si G. Petronilo “Nilo” Mendiola Aranda sa barkong “FastCat M19.”

Si Aranda ay tinatayang may taas na 5.3 talampakan at huling nakitang nakasuot ng itim na Hollister sumbrero, gray polo shirt, asul na maong na pantalon, at itim na sapatos. 

Para sa mga may impormasyon kay Aranda, ipinapakiusap ng PCG na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit nilang himpilan o sa kanilang lokal na awtoridad upang makatulong sa patuloy na paghahanap sa kaniya. 

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng PCG sa mga lokal na awtoridad at iba pang ahensya upang matukoy ang kinaroroonan ni Aranda at maibigay ang kinakailangang suporta sa kaniyang pamilya. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Business owner, pinakain nagugutom na bata; kinaantigan!