Usap-usapan sa social media ang kasalukuyang relationship status nina “Eat Bulaga” host Miles Ocampo at Kapamilya actor Elijah Canlas.
Ito ay matapos maispatan si Elijah na ka-holding hands ang Kapuso singer na si Thea Astley sa isang public market sa La Union.
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Agosto 2, sumentro agad ang tsikahan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Mrena sa relasyon nina Miles at Elijah.
Ayon kay Ogie, “Tinanong ko si Miles [kung sila pa ni Elijah], walang sagot. Tinanong ko si Elijah, hindi pa rin ako sinasagot.”
“Ako, ayaw kong magalit dahil malapit ako sa dalawang batang ‘yan. Alam ko nga mga 5 years na ‘yong relationship nila, e,” dugtong pa ng showbiz insider.
Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Abril 2025 ay nakapanayam pa ni Ogie ang dalawa at tinanong kung kailan ang kasal.
Pero sa halip na sumagot, natawa na lang si Miles sa tanong ng showbiz insider.
“Secret,” sabi ni Elijah.
Segunda naman ni Miles, “Text-text na lang.”
Minsan nang nagkahiwalay sina Miles at Elijah noong Nobyembre 2023. Ngunit nagkabalikan din naman sila kalaunan.
In fact, naispatan pa noong Disyembre 2024 ang kanilang sweet moment sa kasal nina Jose Manalo at Gene Maranan.
MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo nagtukaan sa kasal ni Jose Manalo
Samantala, bukas naman ang Balita para kina Miles at Elijah sakali mang gusto nilang linawin ang tunay na status ng relasyon nila.