August 03, 2026

Home BALITA National

Ex-COA state auditor, napansin 11-araw na paggasta ng OVP sa ₱125M confidential funds!

Ex-COA state auditor, napansin 11-araw na paggasta ng OVP sa ₱125M confidential funds!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Inilahad ng tumayong ikaanim na testigo ng prosecution na si dating state auditor sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) ng Commission on Audit (COA) na si Atty. Roderick Wamil na napansin daw niya ang naging paggasta noon ng Office of the Vice President (OVP) sa confidential funds nilang ₱125 milyon sa loob lang ng 11 araw.

Sa naging pahayag ni Wamil sa ika-11 araw ng Senate impeachment trial nitong Lunes, Agosto 3, 2026, inilarawan niya ang naging paggastos sa nabanggit na halaga ng confidential funds ng opisina ni Vice President Sara Duterte mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31 noong 2022. 

Diin ni Wamil, nakalaan sana umano ang ₱125 milyong confidential funds ng OVP para umano sana sa buong durasyon ng ikaapat na kuwarter ng 2022. 

“Ang napansin ko lang dito ay ‘yong period cover na December 21 to 31, 2022. Since the cash advance po supposedly for the fourth quarter of the 2022 of the OVP,” pagsisimula niya. 

Paglilinaw naman niya, “Other than that, the document is compliant naman with the requirement of the Joint Circular 2015-01.” 

National

KILALANIN: Sino si Atty. Roderick Wamil bilang ika-6 na testigo vs VP Sara?

Depensa ni Wamil, nakasaad daw kasi sa physical at financial plan sa cash advance noon ng OVP na dapat nila itong gastusin sa loob ng buong ikaapat na kuwarter ng 2022, pero lumabas daw sa dokumento na naubos ang naturang halaga ng confidential funds ng OVP sa loob lang ng 11 araw. 

“Napansin ko lang naman po ‘yon kasi ‘yong kanilang cash advance, based on the physical and financial plan po supposedly is for the whole fourth quarter of 2022. Pero based on this document po, na-disburse lang siya from December 21 to 31, 2022, or around 11 days,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ng testigo, nangangahulugan daw na may habang tatlong buwan ang buong ikaapat na kuwarter ng 2022 at dapat daw na nasunod iyon batay sa “supposed coverage” na nakatala sa cash advance para sa confidential activities ng OVP. 

“Based on the documents submitted, ₱125 million po… Based on the documents, it was supposed to be spent for the fourth quarter of 2022. So three months supposedly. Dahil ‘yon po ‘yong supposed coverage noong kanilang cash advance for their confidential activities,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, tanging BP, DepEd sec. na may confidential funds—testigo

KAUGNAY NA BALITA: 'Unusual,' patikim pa lang sa confidential funds ni VP Sara—Prosecution