KINUMPIRMA na sa amin ng aming source na ang sitcom ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid ang papalit sa sitcom na Home Sweetie Home nina Toni Gonzaga – Soriano at John Lloyd Cruz na hanggang ngayon ay hindi na bumalik sa show.
Ang katwiran ng aming source: “Matagal na rin naman ang Home Sweetie Home, 4 years na. Wala namang pinupuntahan na ang kuwento kasi wala na si Lloydie. Ini-stretch na lang dahil kay Papa P (Piolo Pascual). Kung wala si Papa P, ano na ang kuwento?”
Kung walang aberyang mangyayari ay sa Enero 2019 na raw magsisimulang mag-taping sina Regine at Ogie para sa sitcom.
Samantala, sa huling panayam naman namin kay Toni sa nakaraang Mary, Marry Me presscon ay natanong namin ang aktres kung aware siya na papalitan na ang Home Sweetie Home.
“So far sa ngayon, wala pa namang advice sa amin. Pero if ever kasi noong pumirma ako sa contract ko under ABS-CBN, part pa ‘yung Home Sweetie Home. So hindi ko pa alam,” sabi ni Toni.
Kaka-renew lang ni Toni ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN kamakailan at nakasaad pa roon ang nasabing sitcom.
Bawi ni Toni, “Pero siyempre, things can actually change. Hindi rin natin masasabi.”
Sa tanong kung kumusta ang ratings ng HSH: “Okay naman siya, name-maintain pa naman namin ang ratings so, thankful naman kami na may mga solid viewers’ pa rin ang Home Sweetie Home. I think, whatever happens with Home Sweetie Home, ganu’n naman talaga. Shows come and go.” Anyway, simula bukas ay mapapanood na ang Mary, Marry Me na kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival produced Te17 Productions at TinCan Productions mula sa direksyon ni RC Delos Reyes.
Reggee Bonoan