August 03, 2026

Home BALITA National

Atty. Kapunan kung ihaharap bilang testigo si Mary Grace Piattos: 'Lahat na nakainan ko na, 'di ko pa siya nakikita!'

Atty. Kapunan kung ihaharap bilang testigo si Mary Grace Piattos: 'Lahat na nakainan ko na, 'di ko pa siya nakikita!'
Photo courtesy: Screenshot from GMA News/MB File Photo

Nagbigay ng pahayag si impeachment trial private prosecutor Atty. Lorna Kapunan patungkol sa kontrobersiyal na si "Mary Grace Piattos" na isa sa mga nakapirmang personalidad sa acknowledgement receipt na ipinasa ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA).

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Agosto 3, 2026, kaugnay sa confidential funds, muling lumutang ang kontrobersyal na pangalanan ni Mary Grace Piattos sa mga resibong inilatag ng prosekusyon.

Ayon sa mga acknowledgment receipt, dalawang Piattos ang nakatanggap ng malaking halaga mula sa OVP. Ito ay sina Mary Grace Piattos na may ₱70,000 na payment for medicine at at Renan Piattos na may ₱110,000 para sa purchase of information.

Bukod dito, inilatag din ni Kapunan ang iba't ibang mga resibong may kuwestyonableng pangalan gaya ng "Andy Lim," Patty Ting," Mico Harina," at iba pa.

Maki-Balita: Patty Ting, Mico Harina, Andy Lim at iba pa, pirmado sa resibo ng OVP!

National

'Maliit lang ang maookupa!' Pax Silica, 'di raw makaaapekto sa mga magsasaka—Palasyo

Matapos ang pag-adjourn ng impeachment trial, natanong si Kapunan ng media kung ihaharap ba nila bilang testigo si Mary Grace Piattos.

"Hinahanap pa namin eh," aniya.

"Lahat na yata ng Mary Grace nakainan ko na eh. Hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon," dagdag pa niya.

Matatandaang noong Nobyembre 2025 nang maging usap-usapan kung lehitimong persona nga ba si Mary Grace Piattos na naispatang pirmado sa mga transaksyon ng OVP, sa noo’y imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Ilang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin napapatunayan ang kaototohanan sa likod ng pagkatao ng kontrobersyal na si Mary Grace Piattos na siyang nakasaad sa halos 1,200 resibo mula sa OVP.

Ang "Mary Grace" ay pangalan ng isang sikat na restaurant habang ang "Piattos" naman ay pangalan ng brand ng isang junk food.

Maki-Balita: 'Mary Grace Piattos,' 'Milky Secuya,' at 'Kokoy Villamin' walang record sa PSA!

Maki-Balita: Patty Ting, Mico Harina, Andy Lim at iba pa, pirmado sa resibo ng OVP!