May 21, 2026

Home BALITA National

'Mary Grace Piattos,' 'Milky Secuya,' at 'Kokoy Villamin' walang record sa PSA!

'Mary Grace Piattos,' 'Milky Secuya,' at 'Kokoy Villamin' walang record sa PSA!
Photo courtesy: House of Representatives (FB)/MB File Photo

Kinumpirma ni Philippine Statistics Authority (PSA) Engr. Marizza Grande na walang makikitang opisyal na records ng mga pangalang "Mary Grace Piattos," "Milky Secuya," at "Kokoy Villamin" batay sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Justice para sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig nitong Martes, Abril 14, inusisa ng isa sa mga miyembro ng house panel na si Rep. Jude Acidre si Grande kaugnay sa records ng mga nabanggit na pangalan, na nakalagda sa mga nakatanggap ng "confidential funds" batay sa mga resibo.

Ayon kay Grande, walang anumang record ng kapanganakan, kasal, at kamatayan sa mga nabanggit na pangalan maliban na lamang sa isang pangalang "Irene Tan" na isang common name.

"Doon po sa mga binanggit ninyong pangalan Your Honor, [maliban] yung Irene Tan, lahat po yun walang record ng birth, marriage, or death except po doon sa isa, yung kay Irene Tan, which is a common name po ito," aniya.

Base naman daw sa verification nila, may match na record na 144 birthday, 89 certificate of marriage, at 60 certificate of death para sa pangalang Irene Tan.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Negative record naman daw ang iba pang mga pangalang binanggit ni Acidre.

Matatandaang noong 2024 nakumpirma ng PSA na walang record na "Mary Grace Piattos" sa kanila.

Sinasabing ang nabanggit na pangalan ay pinagsamang pangalan ng isang restaurant at isang junk food.

Maki-Balita: Naghahanap na ba ang lahat? Pagkatao ni Mary Grace Piattos, palaisipan pa rin!