NAG-ANNOUNCE na ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Execom Committee, through their spokesperson, Noel Ferrer, na sa Sunday, December 23, na ang Parade of Stars na sponsored ng Parañaque City, na magko-coincide sa pagdiriwang nila ng 20th Cityhood celebration ng siyudad.

Magsisimula ang parade sa likod ng Shopwise (Soreeno Street) sa Parañaque, tatahakin ang main road at magtatapos sa Diokno-Makapagal Blvd. sa Barangay Baclaran.

Ipinaalaala sa mga dadalo at gustong manood ng taunang parade of stars, na ang Sucat Westbound Road ay isasara sa Linggo, simula 12:00 ng tanghali, hanggang sa matapos ang parada.

Tampok sa parade ang magagarang karosa ng bawat isa sa eight official entries sa MMFF: Aurora (Viva Films at Aliud Entertainment) ni Anne Curtis; Fantastica (ABS-CBN Productions at Viva Films) nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez; Girl in the Orange Dress (Quantum Films, MJM Productions, Star Cinema) nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola; Jack Em Popoy:The Puliscredibles (CCM Films/MZet Productions/APT Entertainment) nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Bibida rin ang karosa ng Mary, Marry Me (Ten17P), nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Sam Milby; One Great Love (Regal Entertainment) nina Dennis Trillo, JC de Vera, at Kim Chiu; OTLUM (Horseshoe Studios) nina Ricci Rivero and Jerome Ponce; at Rainbow’s Sunset (Heaven’s Best Entertainment) nina Ms. Gloria Romero, Eddie Garcia, at Tony Mabesa.

-NORA V. CALDERON