LUMIPAT na nga sa Kapuso Network si Kiray Celis at kasama siya sa rom-com series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Luv U 2. Dumalo si Kiray sa storycon at kasama na niya sa picture sina Gabby at Jenny at iba pang cast gaya nina Shaira Diaz at Sheena Halili.

Kiray at cast ng 'Luv U 2' copy

Naalala namin na nababalita nga noon ang paglipat ni Kiray sa GMA-7 dahil madalas siyang makita sa network. Pero ‘pag tinatanong ng mga reporter kung lilipat siya ay hindi kinukumpirma at hindi rin naman tumatanggi ang young actress.

Sa first quarter ng 2019 ang target airing ng Luv U 2 at ibig sabihin, pagkatapo ng Christmas at New Year ay magti-taping na sila. Sa mga araw na darating, malalaman natin kung ano ang role ni Kiray sa first show niya sa GMA-7 pagkatapos umalis sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

-Nitz Miralles