Inanunsyo ng pamunuang Light Rail Transit Authority (LRT)-2 ang pagbubukas ng mobile registration para sa National ID sa kanilang mga piling istasyon simula sa Agosto 5.
Batay sa abiso ng LRT-2 nitong Martes, Agosto 4 ang mobile registration ay isasagawa sa Antipolo Station tuwing Agosto 5,12,19, at 26.
Sa Recto Station naman ay Agosto 5 hanggang 31.
Sa parehong istasyon, isasagawa ang registration mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Kinakailangan lamang ng mga pasahero pumili ng isang “primary” document mula sa mga sumusunod:
- PSA Birth Certificate at isang Government ID (may pangalan, larawan, at pirma)
- Philippine Passport o ePassport
- UMID Card
Kung wala namang Primary ID, maaaring magdala ng dalawang “secondary” document mula sa mga sumusunod:
- PSA/NSO Birth Certificate, Barangay ID, o Barangay Certificate
- PRC,PhilHealth,Senior Citizen,PWD,o Solo Parent’s ID
- NBI Clearance o Police Clearance
Ipinapaalala rin ng pamunuan sa publiko na tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento bago pumunta sa registration site.
Matatandaan namang nauna nang inanunsyo ng pamunuang LRT-2 at Department of Transportation (DOTr) ang kanilang “Libreng Sakay” para sa lahat ng may National ID kada Miyerkules ng Agosto.
MAKI-BALITA: LRT-2, iraratsada 'Libreng Sakay' sa lahat ng may National ID
MAKI-BALITA: DOTr, may pa-libreng sakay sa lahat ng may National ID