BUONG Pilipinas ang nagpigil ng hininga at naglulundag sa tuwa sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa katatapos na Miss Universe 2018 pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand, nitong Lunes.
At dahil likas na masayahin at “mataba ang utak” ng mga Pinoy, nagkalat at viral na naman sa iba’t ibang social media platform ang mga hugot, nakakatawang hirit at memes tungkol sa Miss Universe pageant, partikular na sa bagong Pinay Miss Universe na si Catriona.
Narito ang ilan sa mga kuwela at nakakalokang memes na pinagkakaguluhan sa social media simula nitong Lunes.