“I’M happy with my body.”

Heart copy

Ito ang simpleng sagot ni Heart Evangelista sa Instagram follower niya na nag-comment tungkol sa sexy photo niya habang naka-swimsuit.

Sa nasabing picture, nakasuot si Heart ng black Boom Sason one-piece swimsuit at seksing-sexy talaga siya.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Comment ng follower ni Heart: “Almost there, have to get rid of the dip hip.”

Na-bash ang nag-comment sa akalang sinisiraan niya si Heart. Pero may mga nagtanggol din sa nasabing follower ni Heart, dahil wala nga namang masama sa sinabi nito. Walang negative sa comment nito at mismong si Heart nga ay hindi nagalit. Sana ay hindi nag-react nang negative ang supporters ni Heart sa nasabing follower para walang isyu.

Lumabas ang kaseksihan ni Heart sa kanyang n a p a k a s i m p l e n g swimsuit, at marami ang pumuri sa kanya, kabilang si Jessy Mendiola. Na-bash din si Jessy sa pagkokomento bilang papuri kay Heart, dahil feeling close raw sa aktres ang girlfriend ni Luis Manzano.

Sa comment ni Beverly Vergel na may “beautiful body” si Heart, sumagot ang aktres: “Hahaha I’m just very shy! Chiz made me do it actually hahaha! He took this pic!”

Mabuti at walang nag-comment na dapat isamang ma-bash si Sen. Chiz Escudero, dahil kasalanan nito na malayo ang kuha sa nasabing litrato ng asawa. Hindi raw kasi close-up ang shot, kaya hindi tuloy makita nang malapitan ang kaseksihan ni Heart.

-NITZ MIRALLES