NAGING makulay ang anim na taon kong panunungkulan bilang Editor ng BALITA simula 2010 hanggang 2016. Ito ang panahon ng malaking pagbabago para sa tabloid na ito – mula sa porma, headline, features hanggang sa layout. Kung hindi ako nagkakamali, ang BALITA ang una sa tatlong dyaryo ng Manila Bulletin Publishing Corp. na nag-reformat sa layout ng unang pahina, na ngayo’y ginagamit na rin ng Manila Bulletin (broadsheet) at Tempo (English tabloid).

Noon pa man ay ramdam ko na ang kumpetisyon sa larangan ng print media at nagpasya akong tumaya sa pagpapatupad ng malaking pagbabago sa front page ng BALITA. At ngayo’y masasabi ko nang tapat na hindi ako nagkamali sa aking naging desisyon. Mula sa ika-11 o ika-12 posisyon sa tabloid rankings, nakaangat ang BALITA sa ikaapat na puwesto.

Nang ako’y magbitiw sa puwesto dahil sa mas malaking hamon na nag-aabang para sa akin, mayroon akong isang hindi tuluyang nagampanan para sa BALITA …ang isulong ang digital platform nito.

Sana’y makausad na ang BALITA sa digital upang makamit nito ang Number One position.

Relasyon at Hiwalayan

Ruffa naguguluhan sa relasyon nina Richard, Barbie

Happy 47th Anniversary sa pinakamamahal nating BALITA!

-ARIS ILAGAN (Editor, 2010-2016; kolumnista)