August 05, 2026

Home BALITA

Tatay na kumukuha ng ayudang 10kg bigas, nasunugan ng bahay!

Tatay na kumukuha ng ayudang 10kg bigas, nasunugan ng bahay!
Photo courtesy: Contributed photo

Isang 65-anyos na lolo ang umano'y na umano'y nawalan ng tahanan matapos itong masunog sa Barangay Alfonso Dose, Libacao, Aklan.

Ayon sa mga ulat, nagtungo umano ang senior citizen sa bayan upang tumanggap ng ipinamamahaging 10 kilong bigas na ayuda nang mangyari ang sunog sa kanilang bahay. 

Naiwan niya sa bahay ang kaniyang dalawang apo na may edad na siyam at apat na taong gulang.

Bagama’t natupok ang kanilang tirahan, ligtas na nakalabas ang dalawang bata matapos umanong makarinig ng malakas na tunog bago nagsimulang kumalat ang apoy.

Kasalukuyan nang tinitingnan ng mga awtoridad na maaari umanong nagmula ang sunog sa nag-overheat na television sa bahay ng mga biktima.

National

Mabagal na post-pandemic recovery, hamon sa ekonomiya ng Pilipinas—Goldman Sachs

Samantala, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Gayunman, tuluyang naabo ang bahay at halos walang naisalbang ari-arian ng pamilya.

Sa ngayon, wala pa muling inilalabas na opisyal na pahayag ang Bureau of Fire Protection (BFP)  o ang lokal na pamahalaan na nagpapatunay sa sanhi ng sunog at sa iba pang detalye ng insidente. 

Patuloy ding hinihintay ang opisyal na resulta ng imbestigasyon.

Ilang concern citizen na rin ang nagsasagawa ng fundraising para mga biktima. Napag-alamang biyudo na ang naturang lolo ng dalawang menor de edad habang wala pang impormasyon hinggil sa mga kaanak nila.