Inaasahang magluluwag na ang trapiko sa mga lugar sa Northern Metro area, lalo na ngayong papalapit ang Pasko, dahil sa napipintong pagbubukas ng istasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa Malabon City.
Ayon sa pamunuan ng PNR, bubuksan na anumang araw mula ngayon ang istasyon sa Barangay Acasia sa Malabon, para sa mga pasaherong patungo sa Maynila at Makati City.
Ito ang ikalawang beses na nagdagdag ng istasyon ang PNR sa Northern Metro, makaraang idagdag kamakailan sa biyaheng 10th Avenue, Caloocan-Dela Rosa, Makati ang mga terminal sa Samson Road sa Caloocan at sa FTI sa Taguig City.
-Orly L. Barcala