Idiniretso sa selda ang isang binata na nagwala at naghabol ng itak sa isang grupo ng mga kabataan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Allan Santos, 43, ng No. 111 E. Nadela Street, Barangay Tangos ng nasabing lungsod.
Sa pahayag ni Susana Ronan, 15, naglalakad siya at ang tatlo niyang kaibigan sa kahabaan ng E. Nadela St., bandang 4:00 ng hapon.
Sumulpot ang suspek, na may dalang itak, at sinalubong ang mga bata at sinabing, “Saan kayo pupunta? Subukan n’yong dumaan dito, papatayin ko kayo!”
Sa takot ni Ronan at ng kanyang mga kaibigan, tumakbo sila at hinabol ng suspek, subalit wala itong inabutan.
Humingi ng tulong ang mga biktima sa pulisya at inaresto ang suspek at narekober ang itak.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong grave threat, paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), at BP 6.
-Orly L. Barcala