PORT MORESBY - Pinaplano ngayon ng Pilipinas na pag-aralan ang mga proyekto nitong sinusuportahan ng China, kasunod na rin ng sovereignty concerns ni US Vice President Mike Pense.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, partikular na binibigyan nila ng pansin ang global infrastructure program ng bansa na suportado ng Beijing para sa isang “win-win solution for everybody” upang maitaguyod ang pag-unlad at hindi maapektuhan ang soberanya ng bansa.

“We have reviewed the Belt and Road agreement and quite frankly, I don’t think it’s opaque. It’s quite clear to me that this is a win-win-win situation for everybody and as to compromising sovereignty, I don’t see how that can be because you enter into it freely and it’s something that is quite transparent,” pahayag ni Dominguez nang sumalang ito sa panayam ng mga mamamahayag sa idinaos na regional summit sa Papua New Guinea.

“But again with those remarks, we will certainly review it again the Belt and Road agreement but essentially, from our point of view, it will not compromise our sovereignty and it will be quite helpful to everybody,” pahabol niya bilang tugon sa naging babala ni Pence na mababaon lang ang Pilipinas sa utang sa China.

National

Akbayan, kinondena isiniwalat ni SP Chiz na pagkatapos ng SONA lilitisin impeachment vs VP Sara

“We will review them and see whether it applies to us. It (pangamba ni Pence) may not apply to us at all,” sabi ni Dominguez. “When you somebody tells you, ‘Uy, baka ganito ito, eh ‘di pag-isipan ninyo’.”

Naniniwala naman si Dominguez na hindi maaapektuhan ng soberanya ng bansa ang mga proyekto nito na pinondohan ng China.

Nauna nang nagbabala si Pence na hindi malinaw ang mga ibinibigay na pautang ng China sa mga umuunlad na bansa.

-Genalyn D. Kabiling