UMUSAD na sa Final Four ang Ateneo de Manila. Ngunit, hindi naman nagpapahuli ang La Salle Archers.

NAGING susi ang all-around game ni Brandon Bates sa panalo ng De La Salle kontra Far Eastern University para tumatag sa No.3 sa Final Four ng UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum. (RIO DELUVIO)

NAGING susi ang all-around game ni Brandon Bates sa panalo ng De La Salle kontra Far Eastern University para tumatag sa No.3 sa Final Four ng UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum. (RIO DELUVIO)

Hataw sina Justine Baltazar, Santi Santillan at Brandon Bates sa krusyal na sandali para sandigan ang Green Archers sa 65-57 panalo kontra Far Eastern University nitong Sabado sa UAAP men’s basketball championship sa Araneta Coliseum.

Kumubra si Baltazar ng 15 puntos, anim na rebounds at dalawang blocks, habang kumana si Santillan ng 12 marker at 14 board para mapatatag ang kapit sa No.3 slot.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Kumana rin si Bates ng pitong puntos at 10 rebounds mula sa bench.

“This is Brandon’s night. This guy will do everything, not just scoring, to win the game,” pahayag ni coach Louie Gonzalez.

“Actually, this is what I really want from the start. Yung team na pini-picture ko is kahit sino sa mga players ko, makakatulong sa amin,” aniya.

Naisalpak ni Aljun Melecio ang limang sunod na puntos para tampukana ng 8-0 run ng La Salle para sa 62-53 bentahe may 1:15 ang nalalabi sa laro. Nagsalansan si Melecio pitong puntos, dalawang assists, at dalawang rebounds.

Nanguna sa FEU si Arvin Tolentino sa naiskor na 20 puntos.

Wala namang naging balakid sa pagsikad ng Blue Eagle, sa pangunguna ni Thirdy Ravena sa naiskor na 23 puntos, sa playoff berth nang dagitin ang National University Bulldogs, 79-64.

Nadomina ng Ateneo ang laro mula simula hanggang sa pinakamalaking bentahe sa 24 puntos tungo sa ikasiyam na panalo sa 11 laro.

Iskor:

ATENEO (79) – Ravena 23, Kouame 19, Belangel 11, Verano 7, Go 7, Tio 3, Black 3, Mendoza 2, Mamuyac 2, Daves 2, Asistio 0, Wong 0, Navarro 0, Andrade 0

NU (64) – Clemente 25, Ildefonso D 13, Ildefonso S 7, Diputado 5, Yu 5, Gaye 4, Joson 3, Rike 2, Gallego 0, Sinclair 0, Galinato 0, Morido 0, Malonzo 0

Quarterscores: 22-11, 47-25, 65-47, 79-64

La Salle (65) – Baltazar 15, Santillan 12, Melecio 7, Montalbo 7, Caracut 7, Bates 7, Dyke 5, Serrano 5, Go 0, Manuel 0.

FEU (57) – Tolentino 20, Parker 6, Stockton 6, Escoto 5, Iñigo 5, Ramirez 5, Cani 4, Comboy 3, Eboña 3, Bienes 0, Tuffin 0.

Quarterscores:: 14-13, 34-34, 48-47, 65-57