INAASAHAN ang pagdalo ng mga coaches buhat sa national team at university league kasama ang mga atleta at mga practicitioners sa gaganaping Sports Science Lecture Series sa Disyembre 7 sa PhilSports Complex sa Pasig City.
Isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine Sports Commission at Korea Institute of Sports Science ang pinagtibay ng pagsasanib puwersa ng dalawang ahensiya upang maisagawa ang nasabing event na tatalakay sa mga paksang Sports Physiology, Sports Psychology at Sports Policy.
“We have a standing Memorandum-of-Understanding with KISS for two
years now, and we at the PSC are happy to be able to conduct another sports science series with them,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Pinangunahan nina UNESCO-KISS Chair Program Manager Hyunwoo Jung, at Administrator Joopeel Kim, KISS Senior Researcher Youngkoo Noh at siAdministrator for Donation kasama si Minju Park upang maging tagapag salita sa nasabing seminar.
Ito ang ikatlong taon ng pagsasagawa sa Sports Science kung saan ang unang dalawang yugto ay ginanap noong 2016 at 2017.
-Annie Abad