MULA ng matalo sa Lyceum Pirates sa first round, ginawa ng misyon nina Javee Mocon at ng buong koponan ng San Beda Red Lions ang makabawi sa LPU.

“Babawi kami sa LPU,” anang graduating San Beda forward sa isang live interview dito sa telebisyon.

Kaya naman sa kanilang laban bago ang muli nilang pagtutuos ng Pirates ,tila nagpahiwatig na ng pagbabanta ang 23-anyos na si Mocon sa Lyceum matapos nyang umiskor ng 24 puntos at 11 rebounds sa 90-52 paggapi nila sa Arellano Chiefs nitong Huwebes.

Bunsod nito, nahirang si Mocon para maging Chooks-to-Go/Collegiate Sports Press Corps NCAA Player of the Week.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

At umaasa ang beteranong manlalaro na hindi lamang siya ang handang handa ng humarap muli sa LPU.

“Sana springboard sa amin ito going into the Lyceum game, especially for our bench players. Kailangan namin silang lahat for that game,”ani Mocon.

Bagama’t nakakatiyak na ng twice-to-beat advantage nais pa rin ni Red Lions head coach Boyet Fernandez na maging all out sila sa pagtatapos ng elimination round.

“We will treat our final two games as playoff games. We will be ready,” sambit ni Fernandez.

Naungusan ni Mocon ang kapwa Red Lion na si Robert Bolick, ang Letran duo nina Bong Quinto at JP Calvo, at Lyceum ace CJ Perez para sa lingguhang citation.

-Marivic Awitan