August 07, 2026

Home BALITA Politics

'Bakit siya laging naka-green?' Rep. Luistro, biniro si Alex Eala!

'Bakit siya laging naka-green?' Rep. Luistro, biniro si Alex Eala!
PHOTO COURTESY: VIA AFP, SCREENGRAB HOR

May pabirong tanong si Batangas 2nd district Rep. Gerville Luistro para kay Filipina Tennis Player Alex Eala.

“Bakit si Alex Eala, laging naka-green?” ani Luistro sa isang press conference sa Kamara noong Huwebes, Agosto 6, 2026. 

Isang tinig mula sa audience ang sumagot, “Kaya siya inaangkin ng DDS eh.”

Hirit pa ni Luistro, “Kaya nga ‘di ba? O kaya mag-red siya.”

May isa pang dumalo sa press conference na nagsabing nagpalit na ng kulay ng kasuotan si Eala.

Politics

Sen. Loren, nakiusap sa publiko; pag-alis niya ng bansa, 'wag daw intrigahin!

“Naka-pink po siya today,” saad nito, na tumutukoy naman sa kulay na iniuugnay kay dating Vice President Leni Robredo.

Iminungkahi rin ni Luistro na maaari namang isuot ni Eala ang kulay na mas nakasanayan sa kaniya.

“Dapat mag-blue naman siya,” ani Luistro.

Naging usapin sa social media ang green outfits ni Eala matapos niya itong isuot sa malaking bahagi ng kaniyang title-winning run sa Mubadala DC Open, kung saan gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipina na nagwagi ng WTA Tour singles championship.

Sa kaniyang unang laro naman sa National Bank Open sa Toronto, nakasuot ng pink na outfit ang 21-anyos na si Eala nang talunin niya ang American player na si Alycia Parks, 6-1, 4-6, 6-2, upang umabante sa third round ng WTA 1000 tournament.

Samantala, ang pag-uugnay sa kulay ng kaniyang mga kasuotan sa pulitika ay nagmula sa ilang social media users na nagtangkang bigyan ng political meaning ang green attire na kaniyang isinuot sa Washington tournament.