August 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Mga mahalagang malaman sa nalalapit na MIBF 2026

Mga mahalagang malaman sa nalalapit na MIBF 2026
Photo courtesy: MB


Para sa lahat ng manunulat at mambabasa! 

Kinikilala bilang pinakamalaking book even sa bansa, inaabangan na ng marami ang Manila International Book Fair (MIBF) na magtitipon sa mga manlilikha, mambabasa, at manunulat upang ipagdiwang ang kultura ng pagbabasa, pagkatuto, at malikhaing paglikha. 

Nakatakda itong idaos sa SMX Convention Center Manila, Pasay City, mula 10 AM hanggang 8:00 PM ng Setyembre 9 hanggang 13.

Inaasahan ding dadaluhan ito ng higit 100 exhibitors at higit 120,000 mga bisitang dumadayo hindi lamang upang mamili ngunit upang dumalo na rin sa iba pang book-related activities tulad ng book launches at book signings ng iba’t ibang awtor at manlilikha. 

Ngayong 2026 sa temang “GET LIT: Reading in a New Light,” layon ng MIBF na kilalanin ang mga bagong plataporma ng pagbabasa at epekto nito araw-araw na buhay ng mga mambabasa. 

PAANO MAKAKAKUHA NG TICKET? 

Sa inilabas na anunsyo ng isang  sikat na book chain sa bansa na “Fully Booked,” mamamahagi sila ng libreng bookmarks na nagsisilbing ticket para sa dalawang tao. 

Ang nasabing bookmarks ay maaaring makuha sa kanilang Luzon branches. 

Dahil limitado ang supplies ng promo na ito, maaari namang mabili ang General Admission ticket sa halagang ₱50 sa pamamagitan ng SM Tickets. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga dapat abangan sa darating na MIBF 2026