SO lucky naman nina Kikay-Mikay dahil sila ang napili ng SMAC Productions as kid hosts ng Be Happy Go Lucky reality show, na napanood na sa Net25, in cooperation with EBC, last October 7, 2018, from 8:00 pm to 9:00 pm.
Kasama rin sila sa cast ng Prodigal Prince, na tipong Koreanovela, lalo na dahil si Kikay ay half-Korean. Sa presscon ng SMAC Productions, sinabi ni Kikay na baka sa second or third episode pa ng serye sila mapapanood ni Mikay.
Tatlo ang TV shows na produced ng SMAC Productions. Bukod sa Be Happy Go Lucky at Prodigal Prince ay mayroon ding Galing Ng Pinoy, na ang peg ay That’s Entertainment noon ni German Moreno (SLN), na pawang sa Net25 mapapanood.
-Mercy Lejarde