NAGSIMULA na palang mag-shooting ng comeback movie nila ang magka-love team na Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez for Star Cinema.
Kaagad nag-post ng video si Sharon sa kanyang Instagram wall with caption: “My first day of shooting was yesterday. Richard’s and my first day together is today. Good so far. Happy. #shagoms30 #threewordstoforever.
Inamin din ni Sharon sa isang post na pinagalitan sila ni Direk Cathy Garcia-Molina dahil sa pagpo-post tungkol sa shooting ng movie.
“Pinagalitan na kami ni direk, hahaha. No more posting!”
“Direk, @starcinema, sorry mga pasaway talaga kami. Last na po! Hahaha! @richardgomezinstagram.”
Tiyak na tuluy-tuloy na ang shooting ng movie ng isa sa well-loved love teams. Una nang sinabi ni Sharon sa katatapos niyang concert na Sharon at 40 sa Smart Araneta Coliseum na magsu-shoot din sila ng ilang scenes sa Ormoc City.
May playdate na kasi ang Three Words To Forever; ipalalabas na ito sa November 28, 2018, kaya sana nga ay magtuluy-tuloy na ito.
Pero in between the shooting, nagawa pa ring mag-shoot ni Sharon ng new TVC niya for Selecta. Masaya si Megastar dahil ang first TVC niya sa kanila ay noon pang 1993, at after 25 years, saka lamang siya muling kinuha ng ice cream brand.
-NORA V. CALDERON