August 08, 2026

Home SHOWBIZ

Sophia Laforteza ng KATSEYE, nangailangan ng mental health break!

Sophia Laforteza ng KATSEYE, nangailangan ng mental health break!
Photo courtesy: Sophia Laforteza (IG)

Inanunsyo sa publiko ni Sophia Laforteza, Filipina leader ng global girl group na KATSEYE, ang pansamantala niyang pagpapahinga bunsod umano ng personal na suliranin sa mental health. 

Sa naging pahayag ni Sophia sa kaniyang Instagram story noong gabi ng Biyernes, Agosto 7, 2026, ipinabatid niya sa mga EYEKONS ang pansamantala niyang pagtigil at pagsama sa kanilang grupo. 

Aniya, alam naman daw ng kanilang mga tagasuporta kung gaano niya kamahal ang pagtuntong sa entablado at mag-perform. 

Ngunit giit niya, “Making this decision wasn't easy, but I'm learning that health has to come first. I'm realizing that if I don't take care of my mind and body now, I won't be able to keep doing what I love the most for so long.” 

Screenshot mula sa IG story ni Sophia. 

Rovelyn Baterbonia, dumepensa; 'di ginagatasan ang anak!

Diin ni Sophia, nagpapasalamat daw siya sa patuloy na pag-intindi at pagmamahal ng kanilang mga tagasuporta. 

“Thank you for being so patient, understanding, and always showing me so much love. It means more to me than I could ever say,” saad niya. 

Pagtitiyak pa niya, “I promise I'm going to work as hard as I can to get through this, heal properly, and come back stronger.” 

Pagpapatuloy ni Sophia, magiging kaisa raw muna siya sa mga EYEKONS na sumuporta sa kanilang grupo hanggang sa panahon na muli siyang makabalik. 

“'Til then, please continue to be kind and give KATSEYE all your love and support as we fulfill our promise to show up for you in every way we can. I'll be here as one of the EYEKONS in the meantime with y'all, See you soon,” pagtatapos niya. 

MAKI-BALITA: DOT, pinarangalan BINI at KATSEYE dahil sa pag-represent ng Pinas sa Coachella