BILANG kinatawan at nagma-may-ari ng FPJ Productions, muling pumirma ng kontrata ang former Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces sa ABS-CBN upang tuluy-tuloy na maipalabas ng Kapamilya network ang mga dating pelikula ng yumao niyang asawa, si Fernando Poe, Jr.

Coco copy

At dahil bida si Coco sa halos tatlong taon ng namamayagpag na FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya primetime, isa ang aktor sa mga labis na natuwa sa renewal ng kontrata ng FPJ Productions sa Dos.

At bilang sumusunod sa yapak ni Da King, isang karangalan para kay Coco kung sakaling ipagkatiwala muli sa kanya ang iba pang karakter na pelikula ni FPJ.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

“Sana makagawa ulit, pero wala pa kaming napag-uusapan about diyan. Sabi ko nga kahit hindi ako ‘yung artista, sana marami pang pelikula ni FPJ ang maging teleserye, dahil talagang malapit sa puso ng Pilipino ang mga pelikula niya,” sinabi ni Coco nang makapanayam sa ABS-CBN Ball.

Bukod dito, walang hanggang pasasalamat din ang ipinaabot ng aktor sa tatlong taon ng pamamayagpag ng Ang Probinsyano sa ratings.

“Sabi ko nga, kung ano lang ang sa tingin natin na tama. Ang purpose naman kasi ng Probinsyano is to guide. Lalo na ‘yung mga kabataan na mabigyan sila ng tamang values. As in inaaral namin ang bawat script at dialogue na nakaka-affect sa mga manonood,” sabi pa ni Coco.

-ADOR V. SALUTA