August 08, 2026

Home BALITA National

Confidential funds ng NBI, maliit, ₱25M lang kada-buwan—Matibag

Confidential funds ng NBI, maliit, ₱25M lang kada-buwan—Matibag
Photo courtesy: HOR

Ibinahagi sa publiko ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na maliit daw at aabot lang sa ₱25 milyon ang confidential funds ng kanilang ahensya kada-buwan. 

Sa naging pahayag ni Matibag sa “Saturday News Forum” sa Kamara nitong Sabado, Agosto 8, 2026, sinabi niyang gusto raw niyang sabihin ang naturang impormasyon sa publiko upang magkaroon ng kamalayan ang marami na maliit lang daw ang kanilang pondo buwan-buwan. 

“Confidential kaya ayaw kong sabihin pero gusto kong malaman ng publiko. I’m telling this para alam ninyo kung gaano kaliit ‘yong confidential funds namin. We have ₱25 million confidential funds lang every month,” pagsisimula niya. 

Ani Matibag, aabot lang daw mula sa 80 hanggang 100 ang operation ng NBI kada-buwan noon, ngunit tumaas daw sa 200 hanggang 220 ang bilang ng kanilang mga nagagawang operasyon magmula nang mamahala siya sa naturang ahensya. 

“Pero just to put it in context, when I arrived, ang average operation ng NBI a month is 80 to 100. Ngayon po, nag-a-average kami ng 200 to 2020 operations every month,” aniya. 

National

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo pero palayo ng bansa—PAGASA

Dagdag pa niya, “In my six months term, nakaka-800 plus operations na po kami. Leading to arrest and prosecution po no’ng mga criminals natin.” 

Depensa ni Matibag, may tinatawag daw silang “COPLAN” o Case Operational Plan na ginagamit nila sa kanilang mga operasyon. 

Paghahalimbawa niya, “We have apprehended 59 containers of illegally imported products. ‘Yong cigarettes po. Which amounts to about ₱13 billion sa penalties pa lang… Sabi nila, ‘yong per container niyan, ‘yong income diyan dahil illegally smuggled, mga ₱30 million ang puwedeng maging income.” 

Diin ni Matibag, aabot daw sa ₱300,000 hanggang 400,000 ang kanilang COPLAN sa hinalimbawa niyang naging operasyon ng NBI noon. 

Pagpapatuloy pa niya, kung nakakapagtala raw sila ng 200 na operasyon kada-buwan at ₱200,000 ang COPLAN naman sa bawat operasyon, papalo pa umano sa ₱40 milyon ang kinakailangan nilang confidential funds. 

“Can you just imagine, if we have 200 operations a month, sabihin na lang po natin at 200 thousand ang aming COPLAN per operation, that is already about 40 million. So hindi na po kasya,” ‘ika niya. 

“Pero we’re doing our best na makapag-operate,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!

KAUGNAY NA BALITA: Dir. Matibag sa pagbiyahe ni Rep. Leviste sa France: 'Bon voyage!'