August 08, 2026

Home BALITA National

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo pero palayo ng bansa—PAGASA

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo pero palayo ng bansa—PAGASA
PAGASA

Bukod sa Typhoon "Dolphin," binabantayan din ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawa pang weather systems na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather forecast ng PAGASA nitong alas-singko ng hapon nitong Sabado, Agosto 8, 2026, dalawang weather systems ang kanilang binabantayan—isang tropical depression at isang low pressure area, na may malaking tsansa na maging bagyo.

Huling namataan ang tropical depression sa labas ng PAR sa layong 3,055 kilometers East of Extreme Northern Luzon. May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour.

Habang ang low pressure area naman ay huling namataan sa layong 1,795 kilometers East of Extreme Northern Luzon. Ayon sa PAGASA, posible itong maging isang tropical depression o mahinang bagyo sa loob ng 24 na oras. 

Sa kabila nito, ang movement o galaw ng tropical depression at LPA ay palayo ng bansa at hindi inaasahang magkakaroon ng direkta epekto sa lagay ng panahon.

National

Confidential funds ng NBI, maliit, ₱25M lang kada-buwan—Matibag

"itong dalawang sama ng panahon na ito, 'yong movement po nila papalayo sa ating bansa. Wala magiging direktang epekto sa lagay ng ating panahon at hindi po ito papasok ng ating Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw," saad ni PAGASA weather specialist Daniel Villamil.

Samantala, magpapatuloy pa rin ang pag-ulan hanggang Lunes ng hapon, Agosto 10, 2026, dulot pa rin ito ng southwest monsoon o hanging habagat. 

Naglabas din ng heavy rainfall warning ang PAGASA, kung saan aasahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon sa loob ng isa hanggang dalawang oras.