August 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bakasyon, hindi suspension! Vice Ganda, inupakan mga echosera ng fake news

Bakasyon, hindi suspension! Vice Ganda, inupakan mga echosera ng fake news
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime (YT)/MB File Photo

Nilinaw ni Unkabogable Star Vice Ganda ang dahilan ng kaniyang ilang araw na pagliban sa noontime program na “It’s Showtime” matapos kumalat ang mga espekulasyong baka sinuspinde umano siya dahil sa mga reklamong inihain laban sa programa sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nilinaw ni Vice sa programa mismo na nagbabakasyon lamang siya at walang katotohanan ang mga kumakalat na ulat tungkol sa umano’y suspendido siya.

“Kaya no'ng nasa bakasyon ako, gusto ko nang pumasok. Pero bakasyon po yun ah, hindi suspension. Echosera itong mga fake news na ’to,” ani Vice.

Ibinahagi rin niya ang isang nakakatawang kuwento tungkol sa kaniyang ina na tumawag sa kaniya habang nasa bakasyon.

“Nanay ko tumawag, ‘Suspended ka ba?’ Hindi. ‘Ba’t ka nasa Vietnam?’ Naka-bakasyon talaga ako ngayon,” kuwento niya.

Tsika at Intriga

Paalala ni Bianca sa tag-ulan: Wag magpabulag sa mga pulitikong kinukurakot kaban ng bayan!

Nauna nang lumutang online ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y pagkakasuspinde kay Vice Ganda kasunod ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng “It’s Showtime.” Gayunman, nilinaw ng pamunuan ng programa na bakasyon ang dahilan ng kanyang pansamantalang pagkawala at hindi suspensiyon.

Samantala, noong Hulyo 28, ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng “It’s Showtime” kaugnay ng mga reklamong inihain matapos ang kontrobersiyal na episode ng programa noong Hulyo 24, matapos bugahan ng tubig ni Vice Ganda ang isa sa mga miyembro ng in-house all-girl group nilang Showtime Baby Dolls, na si Baby Doll Johaira, sa "Memerimar."

Kaagad namang nag-sorry sa madlang people si Vice Ganda dahil sa insidente, matapos paulanan ng batikos online.

Maki-Balita: MTRCB, ipinapatawag ‘It’s Showtime’ producers dahil sa mga eksena ni Vice Ganda