Ibinaon sa putikan ang isang babaeng estudyante, na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng hindi nakikilalang lalaki, sa gilid ng isang creek sa Barangay Timalan Balsahan, Naic sa Cavite.

Ang mga residente ng Phase III ng Hillsview Royale Subdivision sa nasabing barangay ang nakadiskubre dakong 3:00 ng hapon nitong Biyernes sa bangkay ni Mitchie Tolentino Araña, 21, graduating student, ayon kay Cavite Police Provincial Office director, Senior Supt. William Segun.

Paliwanag ni Segun, ibinaon pa sa putikan ng suspek ang bangkay ng biktima, na posibleng sinakal ng taling nasa leeg nito.

Wala na ring damit pang-ibaba at nakalilis ang t-shirt ng estudyante nang makita ito, ayon sa pulisya.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sa teorya ni Segun, nasa limang tao ang posibleng gumawa ng krimen, na patuloy pang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO).

Sa pahayag ng pamilya ni Araña, huli nilang nakitang buhay ang biktima nang magpaalam ito na magtutungo lang sa isang computer shop nitong Miyerkules (Setyembre 26), ngunit hindi na nakauwi kinagabihan.

-Anthony Giron